THE PASSION OF THE CHRIST
No word could describe the feeling it evoked. No word could PROPERLY describe it. I would rant about it and rant and rant and rant... this could go on forever.
Once again... a movie moved me that my eyes turned into a faucet. Tears flowed and flowed freely. So freely that Ithought the whole movie house would flood with tears. Not only does it got everything from blood to gore. But the cinematography... oh wow! its sooooo beautiful. These actors also, gave great performance especially Mary. Jim Caviezel... nyahahaha!!!! i dont want to think that he's hot in the film but duh! I can't help noticing the guy... but as Christ... again... i don't want to think he's a hot guy ( I feel that this thing I'm talking about is kinda blasphemous?). The performance was awesome. Plus there is Monica Belucci. From being stoned in the movie Malena to being stoned again as Mary Magdalene. She didn't do alot in the movie but I can't help asking to myself... is there any angle that would make her less beautiful?
This movie is so powerful that i might began professing gospels... that powerful... (p.s. im not paid to rave about this movie... its for my own purpose, for professing that my 66 pesos is not enough for it... that i would pay more for the movie.. and take note: im a near miser and for the peace of my soul) Amen.
(p.p.s. i would've written more things about this stuff... but i am so tipsy right now and my head aches alot that i don't remember what im supposed to write. I hope nobody would criticize the way I wrote... I know this movie deserves more than just this. Im sorry.)
Wednesday, March 31, 2004
Friday, March 12, 2004
i dont know if its soooo bad if i get so distant to alot of people? i know... its so difficult. i was once so close to this person that its just a matter of seconds before i faint and die if we wouldnt have any communication in every hour of the day. i dont know whats wrong with me... the other day when we were out, and i dont know what i felt... i felt sooo fucking irritated with her. with everything she says and the bad thing is... i dont want to tell that to her because i have no other explanation about it... im soooo fuckin sorry about it. right now im getting irritated again with her because... i kept on remebering how she teasing me for being chinese and looking like one. its sooo bad. i dont even want to tell her that its making me fucking mad. its soooo fucking horrible
Monday, March 08, 2004
finally!!! i snag this out of my aunt's computer... azrael, now you cant tell me that my blog has no new entry... well... this is not... but its here... so fuck off... dont complain... read! nyahahahahhaha!!!!!!!!!!
Day 1
Alas sais palang, nasa Jollibee Taft na ako sa harap na Tritran kung saan kami sasakay patungong Batangas City. Di pa ako natutulog dahil alam kong pag natulog ako… siguradong iiwanan nila ako. Hinatid pa ako ng tatay ko at ng kapatid ko sa Taft. Mukha nga atang mas excited pa sila kaysa sa akin… na umalis ako.
Tinext ko si Jet para sabihing nandoon na ako. Buti nalang at marunong siyang mag-reply at sinabi niyang paparating na si Emil. Kaya, nagdesisyon ako na kumain muna ng agahan habang hinihintay sila. Ako pa na prinsesa ng mga pagiging late ang naghihintay sa kanila! Sa loob-loob ko lang malapit nang magpamisa si Jet dahil minsan lang sa buhay niya akong makita ng ganito kaaga.
Mga bandang alas-sais y media nang dumating si Emil dala ang kanyang itim na gym bag. Sinabi ko sa kanya na kumain muna siya at siguradong antayan galore ang mangyayari. Sabi niya kumain na daw siya. Oh well… bahala ka.
Sa wakas! Dumating na rin si Jet na nanggaling pa nang Laguna. Ay sus! Naka porma! Silaw na silaw ang bruho dahil nakashades ng blue. Akala mo pupuntang Hong-kong ng tatalong taon sa laki ng dala niyang bag na sigurado akong walang ni isang suklay na laman. Nang dumating si Jet saka lang ako nagtanong ng nagtanong tungkol sa pupuntahan naming lugar. Akala ko kasi sa Nasugbu kami pupunta… sa lugar nila Aris. Hindi pala. Doon pala kila Cleo sa Lobo. “Where the hell is Lobo?” isip ko. At speaking of Cleo… na nagmagandang loob na magpalate dahil alam niyang never namin siya iiwanan. Paano, sa kinila kami tutuloy. Sobrang naka-ilang dial na kami sa cell phone at lagi nalang sinasabi ng boses ng babae na “The number you dialed is unattended or out of coverage area, please try again later.” Try again later niya ang mukha niya! Paubos na ang battery namin ni Emil, nakatatlong yosi na kami ni Jet wala pa rin si Cleo… hmmm… baka na flat ang gulong ng LRT, nahirit ko.
Alas siyete y media na ata nang dumating si Cleo na isa pang nakaporma. Talaga naman! Oh well at least dumating siya no! okey lang naman kahit papaano. Nag-antay pa kami uli nang bumili siya ng pang-agahan niya. Sa sobrang dami na ng tao sa oras na iyon, aakalain mo na nabili na ni Cleo ang lahat ng laman ng Jollibee.
Umakyat na kami sa bus at mga alas-otso na umalis sa terminal. Katabi ko si Emil sa upuan at si Cleo at Jet ang magkatabi sa likod namin. Tinext ko si Aris at sinabing kakaalis lang namin ng terminal. Sa reply ni Aris mukhang bugnot na ata siya dahil isang oras na siyang bumabiyahe mula sa kanila at kami nasa Taft palang.
Habang bumabiyahe ang bus ay nag beauty sleep muna ako na walang naidulot na beauty dahil paggising ko nanlabo na ang contact lens ko dahil sa accumulation ng muta. Medyo kung anu-ano pang bagay ang samantala kong ipinahawak kay Emil para lang mag-alis ng contact lens na di ko naman matanggal dahil kakagising ko lang. “Hay Naku!” Nasabi ko. Pag nandoon na kami… saka ko tatanggalin
At hindi ko siya natanggal sa sumunod na tatlong oras. Dumating kami ng Batangas City mga bandang alas diyes. Nakita namin si Aris mula sa bintana ng bus na naghihintay. Tawanan kami dahil instead na pumara kami kung nasaan siya wala na kaming nagawa kundi kumaway na parang mga artista. Pagbaba namin ng bus, humahangos na sumunod sa amin si Aris. Nang tantsahin ko… mukhang malayo-layo ata yung tinakbo niya.
Nayoyosi na si Jet… ako rin. (kaming dalawa lang naman ang smoker sa grupo) buti na lang napigilan ko siyang wag manigarilyo sa jeep. Nakakaawa na rin kasi siya dahil naduduwal na siya, at alam ko na yosi lang makakatanggal nun.
Sa city hall kami bumaba at sumakay ng tricycle papuntang istasyon ng jeep pa-Lobo. Mataggal ang tricycle at naiinitan na ako… kaya ayun… inilabas ko na rin ang aking shades at naki-uso kay Jet at Cleo.
Sa pag sakay namin ng jeep, doon ko narinig ang puntong Batangenyo. Ala-eh! Pagkapuno ba naman ng jeep na ire ay sumakay na kami! Aba’y pagkasikep! Sampuan daw kasi pero pusta ko… siyaman lang talaga yun. Gusto lang isiksik siyempre sayang naman dahil bente sinko pesos kada tao ang bayad… o diba?
Bago sumakay ng jeep na iyon, akala ko nakita ko na lahat ng kalsada… hindi pa pala. May iba’t-ibang kombinasyon iyon. Ispaltadong maalikabok. Pagkapataas ay may kakaliwaan pa. Iba-iba… at ang masaya nun ay WALANG TRAFFIC!!!!! Sa sobrang bilis ng takbo ng jeep, huminding na ako kay Aris dahil baka lumipad ang contact lens ko. Kasi ba naman ang pagpapaporma ko ay napunta muli sa wala. Ang shades ko bigla nalang nagfall apart habang suot ko. Hi-tech talaga ang shades na yun.
Isang oras na mabilis at walang traffic na biyahe nang dumating kami sa bayan ng Lobo. Mainit na ang sikat ng araw at mababa na ang enerhiya ko. Pumunta kami sa kalapit na tindahan para bumili ng mga nakalimutan namin. Una: film… pangalawa: toothpaste, pangatlo: sabon, pang-apat: shampoo. Kulang na lang makalimutan naming magdamit.
Kahinidik hindik na namang pagbibiyahe ang gagawin namin… haaay naku! Sasakay nanaman ng tricycle! Ano ba yan! Halos lahat na ata ng uri ng sasakyang panglupa ay nasakyan ko na! “Wala bang cab dito?”… biro lang.
Susuray saray na ako sa gutom, uhaw at antok habang sakay ng tricycle. “Nancy” tawag ni Cleo “ayun yung dagat o!” at pagtingin ko ayun nga ang dagat! Biglang nawala ang pagod, gutom at uhaw ko. Kumikislap pa ito dahil sa sinag ng araw. Nang ako ay huminga… napansin ko ang hangin ay amoy dagat at presko. Ang sarap sa pakiramdam!
Tumingin ako sa aking unahan at nagulat sa aking nakita. Parang akala mo ay isang painting ng italian village. Dahil papalapit kami may iba’t-ibang uri ng bahay na tabi-tabi. May maliit… malaki… kahoy… semento… at iba’t-iba ang texture at kulay!
Hindi ko na ramdam ang kung ano pa man hanggang sa makarating kami sa bahay ng lola ni Cleo. Una kong natanaw ay ang maliit na gate at isang enclosed space sa loob nito sa ilalim ng bubong kung saan may ilang silya sa labas. Sinalubong kami ng lola ni Cleo. Pinababa ang aming mga bagahe at pinalipat sa kabilang bahay.
Andun sa kabilang bahay si Ate Tessie. Malusog at charming ang hitsura nito. Mukha siyang makwela at nakikitrip sa mga katulad namin. Hindi K.J. pero may maternal instinct. Sunud-sunuran kami sa kanya nang itinaboy niya kami sa loob para kumain.
Pagkain! Nakalimutan kong gutom na pala ako. Pesteng dagat kasi yan eh… tinanong ko kay Ate Tessie kung nasaan na nga pala ang dagat. Tumatawa siyang itinuro kung nasaan iyon. Nasa likod lang ng bahay nila at ngayon ko lang napansin ang tunog ng alon.
Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa cottage sa likod ng bahay ng lola nila Cleo kung saan medyo malaki kumpara dun sa dalawa sa likod nila Ate Tessie pero may mga taong naglalaro ng baraha kaya hindi nalang kami pumasok at tumambay nalang sa labas.
Nakakita ako ng kama dun sa sakop ng bahay ng lola ni Cleo at naroon rin si lola. Na-alala ko na inaantok na rin pala ako. Sabi ni Cleo at ng lola niya… huwag na raw akong mahiya at dun na ako humiga… mahangin kasi dun at may screen kaya walang lamok. Eh sino ba naman ako para tumanggi? Aba’y nahiga ako at bago pa man akong tuluyang natulog nakita ko si Jet, si Emil at Aris na katabi ko na… mas mahimbing pa kaysa saakin.
Naramdaman ko na lang na may humahampas sa hita ko… ansarap ng tulog ko eh… bad trip… si Jet pala ginigising ako. Oras na pala para mag miting kami kung ano ang gagawin. Dahil inaantok pa ako at nabitin ang tulog ko, hindi ko na matandaan kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko sa pulong na iyon. Ang natandaan ko na lang ay may mga nabanggit na social institution at mga terminolohiya na di ko na inisip kung ano ang ibig sabihin. Buti na lang natandaan ko na pagkatapos pala ng pulong na iyon, pupunta na kami sa Brgy. Captain ng Brgy. Banalo (kung nasaan pala kami). O diba! Naasikaso na pala ng tita ni Cleo na may appointment kami sa kanya. Sosyal talaga kami… say?
Ewan ko ba kung bakit ako ang naging sekretarya. Basta napunta na lang saakin yung papel at ballpen. Sinundo kami ni Tita Eva, isa sa mga kagawad at kamag-anak ni Cleo. (sikat na sikat si Cleo sa parte ng journal na ito ha!). dirediretsong kalsada lang pala ang sakop ng Banalo. At kung lalakarin ko… siguradong tanggal lahat ng katabaan ko. Nilakad namin hanggang kila Brgy. Captain fondly called as Pangulo. Para sa isang taong tamad maglakad katulad ko… ay! Napakalayo! Pero… ang maganda roon ay napakaganda ng tanawin. Sunset na at… sayang na kay Jet yung kamera. Ang ganda kasi ng palubog na araw at ang dagat. Panalo talaga!
Dumating kami kila Pangulo, medyo madilim na. Mabait ang unang impresyon ko sa kanya… mukhang tatay figure. At totoo nga! Mabait nga siya. Pinaghandaan pa kami ng biskwit at pineapple juice. Etchos pa akong nahihiya kahit na gusto ko nang kumuha nung juice… sa layo ba namn nung nilakad namin ay mauuhaw ka talaga
Umuwi na kami pagkatapos nun, kumain at naaliw akong manood ng unang episode ng Te Amo. Pagkatapos nun, medyo nagkaroon pa kami ng diskusyon kung saan sila matutulog. Sinuggest ni Cleo na sa cottage at maglalatag na lang sila… “aaargh sa cottage sila! Gusto ko rin sa cottage!” pinilit ko sila para isama akong dun na matulog. Wala akong paki-alam kung ako lang babae… eh mas masarap sa cottage eh. Pinutol ni Ate Tessie ang diskusyon na katabi ko siyang matutulog at dun sila sa silong kasama ni Kevin na anak ni Ate Tessie.
Day 2
Maginaw matulog sa Banalo… hinehele ka ng alon ng dagat. At kung sino mang ungas ang gumising sa akin… makakaganti rin ako sa iyo!
Nagsimula ang araw namin na umiinom ng kape, pumunta sa cottage at kumain ng bilog at maliliit na tinapay na kung tawagin ay bonete. Makunat-kunat at masarap iyon lalo na kung mainit pa. Naroon na sa cottage si Aris, Emil, Jet at Cleo. Ako na lang pala ang nananaginip pa. Low tide ang dagat at makikita mo na napakalayo nito mula sa dike. Nakikita namin ang mga mangingisda na bumabalik mula sa magdamag na pangingisda. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na magaling nga ang Diyos dahil sa ganda ng nakikita ko.
Inaantok pa ako at tinatamad pang maligo. Pagkat alas-nuwebe ay susunduin kami ni Donya Eva (si Tita Eva na kagawad… nakasanayan na naming tawaging Donya) pinauna na ako nitong mga lalaking ito dahil kung maya-maya pa ako maliligo… mawawalan ng tubig.
Sinundo na nga kami. Unang agenda namin ay sa Mababang Paaralan ng Banalo. Sabi ni Lider na Jet magpakuha daw muna kami ng litrato kasama yung landmark ng Barangay. Yung arko na may sabing “Welcome to Brgy. Banalo”.
Humiram si Cleo ng tricycle at dala ni Donya Eva ang kanyang silver na scooter. Sabi ko, kay Donya ako aangkas…. At napasubo ako. Una kong scooter ride iyon. Hindi ako marunong umangkas. Kasabay pa nang panunukso ng apat na mapaflat yung gulong… pakiramdam ko tuloy para akong tanga. Pero pag kasampa ko… oh wow! An sarap ng pakiramdam lalao na na nung medyo pinabilis ni Donya Eva yung scooter para maging mahangin.
Dumating kami sa dulo ng Banalo. Ang landmark ay ang eskwelahan. Hinintay naming makarating muna sila Jet, Aris, Emil at Cleo bago kami pumasok. Hindi ko nga alam kung tama yung ginagawa naming pagpipicture picture sa eskwelahan at hindi muna tumuloy sa Teacher-in-Charge na kung tawagin nila. Habang pumapasok kami… naramdaman ko ang mga matang nakatitig saamin sa loob ng mga kwarto. Halos nagtago ako sa hiya dahil ganoon pala ang pakiramdam pag maraming nakatitig sa iyo at wala ka sa mood upang tingnan.
Maya-maya, pagkatapos kaming batiin ng isang guro, at ipakita sa amin ang kanilang facilities, narinig na lang namin na may sumigaw: “Ah-si!” sabay-sabay kaming napatingin kay Emil at nagtawanan. Mahaba kasi ang buhok ni Emil kaya tinawag siyang Dao Ming Xi.
Ininterview namin ang Teacher-in-charge na kapatid pala ni Pangulo. Mabait naman siya at laking gulat namin nang hinatak niya kami papaunta sa kantina at *gasp! Papameryendahin pa kami. Grabeh naman ito… dalawang beses na agahan at di ka pa natutunawan may meryenda ka na!
Sumunod naming bisitahin ang Kooperatiba ng Banalo. Mabait naman sila, kaso para silang mga secret agent. Madyo matagal rin kaming nahintay at sa sobrang inip ng mga kasama ko ay lumabas nalang sila. Ako na alng ang naiwan. Naiinip na rin ako. Mga Ten thousand years ata bago namin nakuha yung profile. Ano ba yan… dalawang page lang pala.
Nagsimula na kaming maginterview sa mga bahay-bahay. Hindi ko makakalimutan ang unang bahay na pinuntahan namin na itinuro ni Manong Tanod. Maliit ang bahay pero wag ka… mas maganda pa yung T.V. nila kaysa sa amin… wala nga pala kaming T.V. at napahanga kami dahil kumpleto ang component nila. Ganyan ang nangyari sa amin sa unang dalawang bahay. Natunganga kami dahil maganda at malalaki ang T.V. at components nila.
Umuwi kami ng tanghali para mananghalian. Naaliw si Jet sa panonood ng endless Love bago kumain at sa mga susunod na araw ganyan ang kanyang ritwal bago kumain… manood muna ng Endless Love. Pagka natapos na iyon tiyak ililipat nila yan sa PBO kung saan may soft porn movies o lumang pelikula na ang bida ay si Da King o si Lito Lapid. Mga lalaki talaga o!
Lumabas na ako at pumunta sa cottage para umidlip. Sumunod si Aris at naidlip kaming dalawa. Medyo di rin masyadong nanggulo itong tatlong sumunod nang dumating sa cottage. Nagdabugan… naglalakad-lakad.
Tinuloy namin ang pagsusurvey sa hapon sa dalawang purok. Dalawang purok nalang at malapit na kaming matapos.
Day 3
Alam kong naunang nagising si Emil. Baka kasi matanda na si Emil kaya alas-kwatro siya nagigising. Sa pagkakataon na ito nauna akong nagising pero nang nakita kong tulog pa sila at si Emil pa lang ang gising, natulog uli ako. Pagkagising ko si Emil palang din ang gising. Okey lang, Masaya naman talagang magising kung sa araw-araw mong pagkabuhay ay nakikita mo ang ganoon kagandang tanawin… ang kulay berdeng mga isla sa ibayo, iba’t ibang hugis ng bato, makulay na kalangitan na nagsisimulang maging bughaw at ang siyempre ang masarap na kape at bonete.
Pagkagising ni Cleo at Jet pumalaot sila. Gusto kasi naming kunan ang mga “mangingisda in action”. Gusto ko sanang sumama kaso maliit lang iyong bangkang hiniram ni Cleo. Pangdalawahan lang talaga at tatluhan kung mapapayat ang sasakay… baka lumubog pa sila kapag sumama pagka sumama pa ako. Mula sa cottage, nakikita namin ni Emil ang flash ng kamera habang kumukuha sila ng litrato. Pagdating nila malapit sa pampang, bumaba si Jet mula sa bangka at sabay nagkamali ng tapak. Nakatapak ng coral… kaya hayun, nasugatan.
Survey uli…. Ganoong routine uli. Umuwi sa tanghali mananghalian at umidlip. Nung hapon, kasama na namin ang malikot ang mapang-asar pero cute na cute na pinsan ni Cleo na si John Rex… tawag namin ay T-rex. Minsan, napunta kami sa isang bahay kung saan may higanteng manok… as in giant talaga! Ang biruan pa namin ay kung iyong ganoong kalaking manok ay dadalhin mo sa Maynila… (sa Maynila talaga… kasi sa Banalo, kahit iwanan mo ang cell phone mo sa gitna ng kalsada ay walang kukuha niyan… hahanapin pa nung nakapulot kung sino ang may-ari… ganoon doon) instead na yung manok ang nanakawin, ay matatakot na lang yung magnanakaw sa manok na iyon. Sa sobrang takot ko… hindi ko pinapakawalan ng tingin yung manok. Baka kasi bigla nalang akong tukain at kainin… ewan ko ba… basta monster manok talaga iyon… kaya mula noon, lagi nalang tinatanong ni T-rex saakin… “Sinong takot sa Manok?”
Nung araw ding iyon namin nakilala si Sherap… I mean, yung barberong fanatic ni Erap. Buhok, ayos ng bigote, laki ng katawan… siya ay Erap na Erap! Nakakamangha nga naman ang mga taong panatiko. Nang aming itanong kung sino ang kanyang iboboto, itinaas niya ang kanyang kamay at tumuro sa itaas… sino pa ba, kundi ang kanyang best friend.
Sa wakas tapos na kami magbahay-bahay… maaga kaming nakapagpahinga at nagkaroon ng aming daily dose of vitamins, halo-halo at kwek-kwek ni Ate Tessie na tinitinda niya kasama ng Balot at Penoy. Naalala nga namin ang kaklase naming mahilig sa kwek kwek habang kumakain kami nun.
Pumunta na rin kami sa munting kapilya nila kung saan may misa. Hindi taga-banalo ang pari kaya ibang set ng tanong ang tinanong namin sa kanya. Umuwi kami para mag-hapunan. Si Aris ang nagluluto.
Maya-maya… pagkatapos maghapunan, ay! Sus! Biglang nawalan ng ilaw… nagbrown –out. Ang saya! Matagal na rin kasi akong hindi nakakaranas ng brown out na may maraming kasama. Tinanong namin sila Ate Tessie kung mayroon bang kwento ng mga kababalaghan doon sa Banalo. Nakakapagtaka pagkat kahit na sobrang probinsya, wala silang kewntong kababalaghan. Siguro nga ay may kinalaman iyon sa matindi nilang pananalig sa Diyos (99% ng mga taga-Banalo ay Katoliko).
Nagkaroon ng ilaw… mga dalawang segundo lang… tapos nawala uli. Naalala ko, may kinababaliwan pala akong tele-novela ngayon. Yung “Te Amo”. Ayun hindi ko tuloy napanood si Segundo (aaay… kagwapuhan!). Para mawala ang asar ko, nakinig nalang kami kay Cleo. Kami daw ay mag “spirit of the paper” matagal kaming nagtawanan… at nang sumeryoso na… kinukutya ni Jet na humihigpit daw ang kapit ni Emil sa kanya. Si Aris Kill Joy kasi ayaw sumali. Palagay ko matalino siya para hindi sumali.
Nang natapos na ang pauso ni Cleo, nagdesisyon akong pumunta na sa cottage at doon sulohin ang gabi at ang madilim na dagat. Sumunod si Aris at nagkwentuhan kami. Nagpaalam na maiidlip muna siya at siya ay gisingin ko pag gusto ko nang umalis. Maya-maya nandoon na naman ang tatlo na hayop kung makapagingay. Hay naku… may ilaw na pala.
P.S. Hindi ko ilalagay dito na pinagtripan nila akong iduyan nang malakas na malakas na halos magiba na ang bahay. At itong araw na ito ko nadiskubre na PBO fanatic silang lahat.
DAY 4
Simula ng araw na naman ang kape at bonete at di pa kami nagsasawa sa dalawang pagkain na ito. Mahal na ata namin ito at ang buong journal na ito ay inihahandog namin para sa kape at bonete. Biro lang.
Una kaming pumunta sa Masaguitsit and Banalo High School nitong araw na ito. Doon sa paaralang iyon karamihan ng taga-Banalo nag-aaral. Pagpapasok namin (medyo malayo ito kaya naka-angkas nanaman ako kay Donya sa scooter). Ramdam ko na naman ang mga mata ng mga kabataan dito. Hindi maganda ang karanasan ko ng High School kaya may kaunting distansya ako sa aking emosyon nang makita ko ang mga mag-aaral doon.
Hindi pumasok si T-Rex sa paaralan nung araw na iyon. Kaya nung pumasok kami, nakita siya ng kanyang guro at tinawag siya. Nagtatatakbo si T-Rex kaya siya nadapa at umiyak sa hiya. Itong batang ito talaga… napaka kulit… hmmm kanino pa kaya magmamana?
Pagpasok namin… yung grounds lang palang iyon ay pang elementary. Aakyat pa kami ng bundok para abutin ang High School (sabagay… tama naman talaga sila.. high… ang high school). Tinahak namin ang paliku-likong staircase… na akala mo pagdating mo sa tuktok ay nasa Baguio ka na. Recess na pala ng ilang klase. May mga nakapila na at bumibili ng pagkain. Yun ang una kong natanaw sumunod ang maraming halaman at puno sa paligid. Bago kami pumasok sa Principal’s Office, napansin namin ang isang klase na nagkaklase sa kanilang “multipurpose covered hall”.
Grabe ang mga tao rito, sobrang hospitable. Akalain mo ba namang pagkatapos naming interbyuhin si Madam Principal ay at halughugin ang kanilang paaralan, sa sobrang pictorial na pati ang pinsan ni Cleo na si Kevin ay naextra pa bilang isang masugid na mag-aaral kami ay pinameryenda. Nagkwentukwentuhan at sabay-sabay naming narinig na tawaging “Ah-Si” uli si Emil! Grabe na ito kailangan namin siyang protektahan! Baka makid-nap na siya.
Pagkatapos naming magmeryenda, napansin ko na tanaw pala ang dagat mula sa grounds ng Highschool. Ang gandang tingnan! Ilan ba namang paaralan mayroon ang mundo na titingin ka lang sa labas ng classroom mo ay tanaw mo na ang malawak na karagatan? Bumaba kami ng bundok at nag-jumpstart na naman sila ng tricycle
Umuwi kami ng tanghalian, nanood sila ng PBO at ako ay nagpahinga.
Nang hapon na iyon, sunod naming pinuntahan ang extension ng Banalo na kung tawagin ay Hulo. Hindi ako handang suungin ang bundok. Ipinagmaneho kami ni Manong Tanod 2 (yung…) ng Tamiya. Kaming 3 ni emil at Donya ang nakasakay roon. Sabi kasi ni Manong Tanod 2 may iba pa silang susunduin at babalikan nalang daw kami. Pumayag kami, kaya dinala ni Jet yung scooter ni Donya at dala ni Cleo at Aris yung Tricycle.
Sigurado na akong wala nang titindi pa sa daan papuntang Hulo. Para ka nang nagtrampoline sa sobrang lubak ng papunta roon. Nakita ko si Jet na nakasunod sa amin. Ay! Ang gwapo pala ni Jet pagnatatakpan siya ng alikabok at kulay silver ang scooter! Sabi ko nga sa kanya, pagdating niya ng Maynila, mag-hire siya ng taga-alikabok sa kanya, para lagi siyang gwapo.
Pagdating namin sa tuktok, matagal na nawala si Cleo at Aris. Lumubog ata yung tricycle. Nagsimula kaming mag-interview pagkadating na pagkadating nila Cleo at Aris. Mayroon palang Ilog doon na umaapaw kapag umuulan ng malakas. Mga taga-aplaya pala ang tawag ng mga taga-hulo sa mga tao sa ibaba ng bundok. Mayroon pa lang Day Care sa itaas ng bundok. Marami na rin kaming impormasyon na nakalap kaya umuwi na kami.
Si Cleo, si Emil, Si Aris at si Donya ang sumakay sa Tricycle. Umangkas ako sa scooter. Mas malala pala ang pauwi dahil hindi lang parang trampoline ang karanasan na ito… naitanong ko nga kay Jet, “Jet, nagsesex na ba tayo?” muntik na kaming malaglag sa scooter sa kakatawa tungkol sa daan. Sa wakas ispaltadong lugar na ang nadaanan namin. Nakakatakot sumakay ng scooter kasama si Jet. Para kayong lumilipad habang sakay nun sa sobrang bilis.
Tawang-tawa talaga kami sa experience namin sa Hulo. Ibang klaseng kalsada talaga iyon na kahit ilang araw na ay masakit pa rin ang hita ko na nagpapaalala na maswerte tayo at ispaltado ang kalsada natin.
Nang nawala na ang araw, di na biro ang mga ginagawa namin para sa binabalak naming forum para sa kinabukasan. Ang forum na iyon ay tanda na rin ng aming pasasalamat sa kanila. Ngunit dahil tapos na ang pagsusurvey namin… inuman na!!!! Nagpapulutan si Donya Eva. Nadiskubre kong Kung-fu (kung fumulutan… akala mo nag-uulam) pala si Emil kaya bagay siyang tawaging “Ah-si”., lasenggero si Jet at Cleo, si Aris,ay mabilis mamula at ang gin ay traydor.
DAY 5
Dagat na dagat na ako. Walang may gustong sumama sa akin maligo sa dagat kaya ako nalang ang mag-isang nagpasunog kay Amang Araw. Maya-maya, tinamaan ng topak si Cleo at nangisda sa pamamagitan ng pantakip ng ulam. Narealize niya na masyadong malaki ang butas nun kaya tray nalang na may mas maliliit na butas ang ginamit niya. Binigay niya saakin yung pantakip ng ulam at yun ang aking naging shower-showeran. Maya-maya sumama na si Aris. Ayun… ako ay nakababad sa dagat at sila naman ay nangingisda. Hay naku!
Pagkatapos naming mananghalian, sumige na kami ni Jet sa bayan para magkompyuter at gawin ang Plaque of Appreciation para sa mamayang forum. Mataas ang araw sa bayan. Halos di ko na makayanan ang init.
Pagkatapos naming maglakad at makahanap ng frame para sa Plaque, nagsimula kaming maghanap ng computer shop. Dahil walang land line sa Lobo, hindi namin inaasahan pang makakita ng computer shop na may internet kaya hindi namin maibigkas ni Jet ang aming tuwa nang makakita kami ng isa na may internet access! Para akong nasa Nirvana dahil isang linggo na akong hindi nakakapag chat.
Pagkalipas ng dalawang oras natapos kami ni Jet gumawa ng aming mga dapat gawin, kasama na ang pagchecheck ng e-mail. Kahit ga-pagong ang bagal ng internet access nila… okey lang! Basta may internet! Ganun kami ka-addict! Medyo nangarag kami ni Jet kung ano ang ipapangalan namin sa grupo. “ay! Ano kaya… Jumpstart?” ani ng mga kasamahan ko, kaninang umaga bago ako maligo sa dagat. “noong kami ay gumagawa na ng plaque, naisulat na namin na grupong Jumpstart ang pangalan ng grupo… paano ba naman kasi jumpstart nang jumpstart ng tricycle si Cleo at Aris. (eto ang mga bagong katawagan: Jet: Lider, Ako: Sekretarya, Emil: Ah-si, Aris: Jumpstart man, Cleo: cook, housekeeper, driver ng tricycle, taga-aliw, utusan ni Ate Tessie at marami pang iba… siya ang may pinaka-maraming ginagawa kaya hindi namin alam kung ano ang itatawag sa kanya)
Pagkat walang colored printer sa pinagkompyuteran namin, nagsimula uli kaming magtanong-tanong kung saan may colored printer. Tatlong kilometro pabalik, naroon sa Fabrika, isang pang barangay ng Lobo. Eh di dali-dali kaming sumakay ng tricycle papunta roon.
Bumalik kami sa Banalo na iritable dahil malapit na kaming malate at walang ganoong dumadaan na tricycle sa Fabrika pero masaya at nagawa namin ang mga “Plaque of Appreciation” kahit na hindi namin alam kung paano iyon gawin. Nagmamadali akong tapusin ang analysis. Mag-aalas singko na! Kaya halos patakbo naming tinakbo ang barangay hall.
Laking gulat namin pagdating namin doon. Ang mga lider ng mga barangay ay todo nakabihis. Tumingin ako sa aking suot… blouse at capri pants ko na mukha nang pambahay ang iba kong mga kasama ay naka-shorts lang. Halos mapamura akon sa hiya! Lahat sila nakabihis! Nakaputing blouse at lahat! Mga barangay tanod na uniporme! Si Pangulo naka barong pa! Bigla akong nabagabag… is it worth it?
Nagsimula ang pagpupulong. Dumating ang mga kagawad ng Sangguniang Kabataan. Naging maganda ang daloy ng pagpupulong. Galak na galak kami. At pagkatapos ng pagpupulong, pinarangalan namin ng “plaque of Appreciation” si Pangulo at si Donya Eva. Si Ate Tessie ay Mayroon din. (ngunit ito ay pinarangal namin sa kanilang bahay kung saan nagrunong-runungan ang mga lalake at isinabit na ang plake). Buti naman, its worth it nga!
Naimbitahan kami kinagabihan sa isang pagdiriwang ng isa sa mga tatay ng S.K. kagawad. Medyo nahihiya pa kami. Inuman daw. Sabi namin… okey lang ito tsong… pinsan naman ni Cleo yun eh…kaya nagpaalam kami kay Ate Tessie na pupunta roon.
Pagkatapos ng hapunan, lumarga na kami patungo party, pero bago yun, sinundo muna namin si Monina, isa sa mga S.K. kagawad.
Laking gulat ko na pagdating namin doon, ay doon pala sa may bilyaran! Halos magtatakbo ang mga kasama kong mga lalaki sa tuwa. Bilyar, bilyar!
Naglabas si Vanessa (yung pinsan ni Cleo) ng Fundador at pulutan. Maya-maya kung anu-ano na ang napag-usapan namin.Medyo pala sumikat kami. Kung sabagay sa liit lang ng barangay na iyon, hindi kami maitatago. Ganito pa ang tsismisan dun: “ala-eh! May mga taga-Maynila nga! Lima sila! Nag-iisang la-ang yung babae!” o “yung isa’y pagka-cute!” hundi ako yun, si Jet ata yung tinutukoy, kasi raw yung may dalang scooter papunta dun sa Masaguitsit. Okey fine…wala man lang bang maysabi na cute yung nag-iisang babae?
Naisip namin na dun na lang kami sa cottage mag-iinuman. Dinala namin yung Fundador, yung pantagay at yung pitsel. Bumalik kami sa multi-porpuse hall at laking gulat namin nang tumambad sa mga paningin namin si Ate Tessie at Donya Eva. Grabe na ito. isinabay ang aming despidida dun sa nagdedespida papuntang Australia… thotial (hindi sosyal) talaga kami!
Kaya nga ayun. Malaki ang aking pagkakaculture shock dahil walang kasing sayang party akong napuntahan sa buong buhay ko. Ang mga tao hindi kill joy. Kung may nagvivideoke ng “otso-otso” todo sayaw ang mga tao! Nakaktuwa. At… sino ba namang mag-aakala na ang unag sayaw ko ng sweet ay doon sa Banalo? Tawa-tawa ako nang tawa, si Monina todo halakhak nang itinayo ako nung isang mama at sayawan.
Mga tatalumpung taon akong nakatayo at pinagpasapasahan ng mga lalaki para isayaw. Pagod na ako pero okey lang. Marami rin akong nakakawentuhan at ito ang isang halimbawa ng conversion pag nagsasayaw kami:
Mama: Aba’y ilang taon ka na baga?
Ako: bente lang po ako
Mama: ako’y huwag mo nang opoin pagkat ako’y bata pa naman!
A: talaga lang ha!
M: Ay, oo!
Tatahimik ng ilang segundo
M: ikaw ba’y walang asawa pa?
A: Aaack! Bata pa po ako! Wala pa akong balak magpasakal!
M: ako nama’y binata pa rin! (ngingiti… )
M: Ikaw ba’y saan makokontak sa Maynila?
Etchos! Talaga namang bumenta ang byuti ko! Kahindikhindik talaga na kumita pa ako ng bente pesos dun sa isang sayaw. Nagwawagayway pa nang isang daan para mag otso-otso ako… no way! Kahit isang libo pa yan… ah eh… kahit isang daan pa yan… di ko yan papatulan!
Sila Jet ay may tama na! Bigla nang nagkaroon nang lakas ng loob si Aris at kumanta na nang tuluyan sa videoke. Si Cleo din kumanta na nang Meteor garden song! Si Jet at ako kinanta namin ang kanyang signiture song. Senglot na nga ako… napapakanta at napapasayaw na ako eh.
Hindi ko makaklimutan ang gabing iyon. Biruan nga ay… ibebenta nila ako dun sa Banalo at magkakapera sila… “charing!”
DAY 6
Masyadong masakit ang mga pangyayari… ang pagpapa-alaman… di ko kayang isulat… kaya eto nalang ang sasabihin ko… nag-impake, naligo, nag-agahan, umalis. Hindi namin ito makalimutang pangyayari sa aming buhay. Parang panaginip na sana’y wag muna kaming magising (sana dun sa panaginip na iyon kahit papaano may Starbucks).
P.S. buti na lang pinabaunan kami ng bonete ni Ate Tessie.